Thursday, December 4, 2008

TV5 Dinayo ang KOMIKON 2008

Mahigit kumulang sa 2,000 Filipino Komik Fanatics
ang dumalo sa nakaraang KOMIKON 2008
na ginanap sa UP Bahay ng Alumni.
Kanya-kanyang gimik, iba't ibang pakulo ang inihanda ng mga organizers,
at siyempre hindi papahuli ang TV5 bilang official Media Partner
ng naturang pagtitipon.
Namigay ang TV5 ng mga limited edition gift items para
sa mga masuswerteng Komik Fans na nagenjoy noong araw na iyon.
Aktibo ring nakibahagi ang ilang sikat at mga baguhang comic artists na nagpakitang
gilas ng kanilang talento sa larangan ng malikhaing pagguhit.


Habang abala ang lahat sa pagdalaw ng mga booth sa KOMIKON at patuloy
ding ginagawa sa stage area ang pakulo at pakontests ng mga organizers.
Ang mga nagwagi ay naguwi din ng mga TV5 gift items.

Ang KOMIKON ay taunang ginawa at ngayon ay nasa kanilang
ika-apat na taon na. Layon ng taunang kasiyahang ito
na panatilihing buhay ang diwa ng Komiks sa bansa
at humimok sa mga may kakayahang gumuhit na tumulong
upang mapalago ang Sining ng Komiks.



Mula sa organizers ng KOMIKON, Maraming Salamat sa inyong
pakikiisa at magkikita tayo muli sa KOMIKON 2009!



For more details visit: KOMIKON.blogspot.com

No comments: