Friday, October 31, 2008

The Exorcism of Emily Rose sa TV5

Alam nyo bang hango sa tunay na buhay ang istorya ni Emily Rose.
Isang 19 anyos na dalagitang sinapian umano ng masasamang espiritu.
Tampok sa pelikula ang pagtalakay sa kaso ni Emily Rose at kung paano hinarap
ng isang pari at abugado ang mga bumabatikos sa pagsapi umano sa bida.
Mapapanood sa 5MAX ngayong gabi ang Exorcism of Emily Rose sa
ganap na ika-8 ng Gabi sa TV5.
HAPPY HALLOWEEN MGA KASHAKE!

Sunday, October 26, 2008

Gusto mo manuod ng My MVP Finals?


Makakanuod ka ng My MVP Finals, Makikilala mo ang
TOP 12 contenders para sa titulo, Makakapagpapicture ka
kasama nila, VIP seats at marami pang sorpresa.
Sali lang sa My TV5 Community! Register na para
makakuha ng FREE PASS (for 2) sa New Ynares Sports Arena
sa Shaw Boulevard, Pasig City on November 7 (Friday)
Click mo lang to:

Tuesday, October 21, 2008

Philippine's Scariest Challenge



Bakas pa din sa mukha ng aktres at Pantasya ng Bayan na si Joyce Jimenez ang sugat na natamo nito matapos na maaksidente ito after mag-tape ng Philippine's Scariest Challenge sa isang malawak ng bukirin sa Pangasinan.

Matatandaang himalang nakaligtas si Joyce makaraang tatlong beses na magpaikot ikot sa ere ang kanyang sinasakyang auto.

Mapapanood ang episode ni Joyce sa Philippine' Scariest Challenge sa October 31, Friday 6PM sa TV5.

Si Paolo Contis at Chesca Litton ang host ng naturang show.

Alodia as Shana

Recently lang ay umatend ang isa sa pinakasikat na anime and pop icons in the Philippines na si Alodia sa RAN Online Global Tournament kung saan present din ang TV5 bilang isa sa mga sponsor.
Dinumog ang event na ito ng libo-libong gamers sa bansa na nagkaroon ng chance na magpapicture kasama si Alodia.
Mas marami pang balita kay Alodia dito sa Shake Mo Blog Mo! tutok lang!

You & Me Against the World

According to PEP.ph magkakaroon daw ng sariling gameshow si Ms. Gretchen Barretto sa TV5. Although wala pang masyadong detalye sinasabing November daw ipapalabas ang bagong show.

“You and Me Against the World” ang title ng show ni Greta na inaasahang magiging fabulosa dahil sa mga kakaibang prizes at sorpresa ng show at ng host.


Abangan natin yan mga kaShake!