Monday, December 29, 2008

TV5 Live!

Mula sa Philstar.com

TV5's Shake Mo TV Mo Caravan 

Updated December 30, 2008 12:00 AM 

Experience the grandest welcome to the new year as TV5 takes you to the ultimate shaking experience with the coming of the TV5 LIVE Shake Mo TV Mo Caravan, honking its way with exciting prizes and fun activities, happening on Jan. 3, 10 a.m. to 12 midnight at the Star City.


Everyone is invited to participate in the day-long event as the network greets 2009 with celebrity gatherings and live tapings, musical performances from rock bands Sandwich and Imago, and loads of booths with prizes and surprises.

Admission is easy. Students must present a valid recent school ID, or present proof of purchase of any TV5 novelty item from the TV5 store set up on the event grounds.

Interested participants can also join on-line promos at the TV5 website, www.tv5.com.ph, to win free tickets. Star City clients who avail of the Ride-all-you-can pass are also invited to join in the fun.

Saturday, December 27, 2008

More Kapamilya Stars Join TV5's Lipgloss


Pep.ph - Dalawa ang umalis, dalawa naman ang pumasok sa ending ng second season ng nag-iisang teen show sa reformatted TV5, ang Lipgloss. Sa kalagitnaan ng second season, nawala ang Star Magic Batch 16 member na si Cheska Garcia at sumabay na rin ang partner nitong STAGES-managed at Little Big Star first winner na si Sam Concepcion. 
  
Papasok ng magkasunod na episodes after its New Year episode ang Be Bench winner and Desperadas 2 co-star na si Carlo Guevara bilang si Jose Mari, ang makaka-triangle ng dalawang bagong artista na sina Czarina Suzara at Neil Coleta playing Julivee at Caloy, respectively.  

Susundan naman siya ni Matt Evans na gaganap bilang si Nikko Lopez, isang artistang nag-shoot ng pelikula sa eskuwelahan ng mga bidang bagets. Pinsan ng kanyang character si Kyle Lopez, na ginampanan naman ni Sam at may-ari rin ng eskuwelahan. 


Ito ang pangalawang TV5 show ni Matt dahil lumalabas din ang dating Pinoy Big Brother Teen Edition housemate sa sitcom na Everybody Hapi . Bale ito rin ang reunion show nila ng mga co-housemate niya sa PBB na sina Mikee Lee at Fred Payawan na mga regular cast ng Lipgloss.  

Ilan pa sa napagpilian para sa dalawang bagong roles sa Lipgloss ay ang tatlo namang housemates sa second season ng PBB Teen edition na sina Ejay Falcon, Robi Domingo, at Josef Elizalde. Hindi pumuwede si Robi dahil may ginagawa na itong mga shows sa sister stations ng ABS-CBN na MYX at Channel 23. 

Isa namang homegrown talent ng TV5 ang na-introduce sa Lipgloss in its Christmas episode, si Jessa Joy Mendoza. Produkto si Jessa ng Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo at malakas ang naging hatak niya sa audience dahil sa kanyang galing sa pagkanta. Gumaganap siyang si Carla, ang kapatid ng baguhan ding si Neil. 

Napapanood ang Lipgloss sa TV5 tuwing Sabado ng alas-sais ng gabi bago ang Talentadong Pinoy. Wala pang balita kung bibigyan ito ng third season. 

-Dinno Erece

Wednesday, December 24, 2008

Bagong Taon kasama ang inyong Paboritong Istasyon, TV5

Isama ang Pamilya, Kulitin na ang Barkada...

Dahil parating na ang inyong TV5 Tropa!


   

Friday, December 19, 2008

Join na sa TV5 Live Caravan!

Maki-SHAKE na sa kauna-unahang SHAKE MO TV MO CARAVAN ng iyong

Bagong paboritong TV Station, TV5!

Makakasama mo ang iyong paboritong TV5 stars, TV5 shows at

Pinaka-tinitiliang Banda!


Gusto mo ng Libreng passes?

Punta na sa TV5.com.ph

Isama na ang buong Barkada at Maki-Shake na!

Wednesday, December 10, 2008

Philippine Bloggers NakiSHAKE na sa TV5!

Tinambayan ng mahigit 30 bloggers ang event na inihanda ng TV5 para sa kanila sa Chili's Greenbelt 1, Makati kagabi.


Dahil bilib kami sa husay ng blogging community, Bloggers' Event ang sagot namin sa kanila. Bumahang papremyo, pagkain at inuman, at syempre saya ang event na 'to.
Highlight ng gabi ang pakulo ng TV5 para sa bloggers, ang My TV Show! Ito ang pinakabagong proyekto para sa bloggers na mag-eexpress sa sariling TV show concept na pasok sa taste nila.

Present din si Cherie Mercado at Jove Francisco ng The Evening News (TEN) kasama ang iba pang tropa para makisaya at i-cover ang gabi ng mga blogger. 'Di naman nagpahuli ang TV5 Team, ang kasamang nagprepare ng event at full force na pumunta para maki-join.


Nagpabaon ng 21" flatscreen TV kay blogger Fitz Villafuerte, ang nanalo sa grand raffle. Marami ring blogger ang nag-uwi ng iPod, electronic gift checks sa The Spa at Ayala malls, anime CDs at iba pang freebies para sa lahat.
Nag-ala-vigil naman at bumaha ng alak at kwentuhan ang mga reunited bloggers habang hinihintay ang mistulang one, big Pacquiao fight na airing ng The Evening News (TEN) para makapagsalamin at makita ng bloggers ang sarili nila onscreen sa hatid na Sidetracked ni Jove Francisco.



TEN's SideTracked from Coy Caballes on Vimeo.


Ito na isa ang pinaka-nakakaSHAKE na blogger tambay bago matapos ang taon.
It began and ended with a bang, at ang promise na may Da Repeat ng ganitong event.

Maraming Pang Pictures dito:

Naki-SHAKE na ang MULTIPLY ni AZRAEL!

Todo sa Pictures ang Multiply ni Iris!

NANdito rin si NAN!

Ka-SHAKE na si CARL!

Aba may pictures din si ADA!

Present sa Event si Jason!

Mica, naki-join sa Tropa!

Thursday, December 4, 2008

TV5 Dinayo ang KOMIKON 2008

Mahigit kumulang sa 2,000 Filipino Komik Fanatics
ang dumalo sa nakaraang KOMIKON 2008
na ginanap sa UP Bahay ng Alumni.
Kanya-kanyang gimik, iba't ibang pakulo ang inihanda ng mga organizers,
at siyempre hindi papahuli ang TV5 bilang official Media Partner
ng naturang pagtitipon.
Namigay ang TV5 ng mga limited edition gift items para
sa mga masuswerteng Komik Fans na nagenjoy noong araw na iyon.
Aktibo ring nakibahagi ang ilang sikat at mga baguhang comic artists na nagpakitang
gilas ng kanilang talento sa larangan ng malikhaing pagguhit.


Habang abala ang lahat sa pagdalaw ng mga booth sa KOMIKON at patuloy
ding ginagawa sa stage area ang pakulo at pakontests ng mga organizers.
Ang mga nagwagi ay naguwi din ng mga TV5 gift items.

Ang KOMIKON ay taunang ginawa at ngayon ay nasa kanilang
ika-apat na taon na. Layon ng taunang kasiyahang ito
na panatilihing buhay ang diwa ng Komiks sa bansa
at humimok sa mga may kakayahang gumuhit na tumulong
upang mapalago ang Sining ng Komiks.



Mula sa organizers ng KOMIKON, Maraming Salamat sa inyong
pakikiisa at magkikita tayo muli sa KOMIKON 2009!



For more details visit: KOMIKON.blogspot.com

Naki-Shake ang Marist School, Marikina!

Todo-Shake ang Marist School sa Marikina makaraang bumisita ang TV5 sa kanilang
Campus bilang bahagi ng kanila Weeklong Science Week Celebration.

Dumagundong ang buong school gymnasium sa mga inihandang pakulo ng
TV5 kasama sina Biboy Bibo at Maria Maldita ng YES FM, Automatic Yan!
Bukod sa mga special numbers ng Marist Students, nagkaroon din ng mga games
na nilahukan ng mga audience, ang mga nanalo ang nakakuha ng mga limited edition TV gift items.
Naki-shake din ang mga casts ng Patok na Patok na Teen show na Lipgloss
para magpasaya ng mga taga Marist.
Naghiyawan ng husto ang mga estudyante makaraang lumabas
ang latest addition sa Lipgloss cast na si Princess Ryan kasama si Kevin Lapena.

Isang buong araw ng kasiyahan, Isang Buong araw ng Kakalugan!
Hatid sa inyo ng inyong Bagong Paboritong TV Station, TV5!


Tutok lang kayo dahil baka School nyo na ang susunod!


Watch out for us at:

December 5 - San Beda College

December 11 - Buli Elementary School

December 12 - West Rembo Elementary School