Saturday, December 27, 2008

More Kapamilya Stars Join TV5's Lipgloss


Pep.ph - Dalawa ang umalis, dalawa naman ang pumasok sa ending ng second season ng nag-iisang teen show sa reformatted TV5, ang Lipgloss. Sa kalagitnaan ng second season, nawala ang Star Magic Batch 16 member na si Cheska Garcia at sumabay na rin ang partner nitong STAGES-managed at Little Big Star first winner na si Sam Concepcion. 
  
Papasok ng magkasunod na episodes after its New Year episode ang Be Bench winner and Desperadas 2 co-star na si Carlo Guevara bilang si Jose Mari, ang makaka-triangle ng dalawang bagong artista na sina Czarina Suzara at Neil Coleta playing Julivee at Caloy, respectively.  

Susundan naman siya ni Matt Evans na gaganap bilang si Nikko Lopez, isang artistang nag-shoot ng pelikula sa eskuwelahan ng mga bidang bagets. Pinsan ng kanyang character si Kyle Lopez, na ginampanan naman ni Sam at may-ari rin ng eskuwelahan. 


Ito ang pangalawang TV5 show ni Matt dahil lumalabas din ang dating Pinoy Big Brother Teen Edition housemate sa sitcom na Everybody Hapi . Bale ito rin ang reunion show nila ng mga co-housemate niya sa PBB na sina Mikee Lee at Fred Payawan na mga regular cast ng Lipgloss.  

Ilan pa sa napagpilian para sa dalawang bagong roles sa Lipgloss ay ang tatlo namang housemates sa second season ng PBB Teen edition na sina Ejay Falcon, Robi Domingo, at Josef Elizalde. Hindi pumuwede si Robi dahil may ginagawa na itong mga shows sa sister stations ng ABS-CBN na MYX at Channel 23. 

Isa namang homegrown talent ng TV5 ang na-introduce sa Lipgloss in its Christmas episode, si Jessa Joy Mendoza. Produkto si Jessa ng Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo at malakas ang naging hatak niya sa audience dahil sa kanyang galing sa pagkanta. Gumaganap siyang si Carla, ang kapatid ng baguhan ding si Neil. 

Napapanood ang Lipgloss sa TV5 tuwing Sabado ng alas-sais ng gabi bago ang Talentadong Pinoy. Wala pang balita kung bibigyan ito ng third season. 

-Dinno Erece

3 comments:

cool sakaki said...

ganda ng lipgloss bagay c Matt at Meg, si Carla at Maui ganda talaga sana gumanda ng gumanda ! at sana ung magdagdag pasi la ng iba pang anime
kac anime lover pow ako lahat ng anime nyo pinapanood koh mula sa shakuga no shana hanggang D.N Angel lahat ng anime nyo papanoorin koh pati na ang lipgloss at jimmy neutron
at spongebob

ace said...

huhuhu

ace said...

uhhuhuhuhuhuh