Saturday, January 24, 2009

Talentadong Pinoy: The Amazing Actress

Riot ang ginawang performance ng 'The Amazing Actress'
sa Talentadong Pinoy sa TV5 ilang linggo na ang nakakaraan.

Nadoong humiga sa thumbtacks, umawit at sumayaw ito ng
Contract, Release, Contract Release na ikanayamot naman ng mga
Talent Scouts na sina Arnel Ignacio, Cherrie Gil at Audie Gemora.


Kahit na nagpakitang gilas si Amazing Actress ay
nagpasarahan pa din siya ng kurtina.

Mapapanood ang Talentadong Pinoy tuwing Sabado
7-8PM sa TV5 hosted by Mr. Ryan Agoncillo.
Youtube Video Courtesy of: maelura2004

Tuesday, January 20, 2009

Ang TV5 Number 1 na sa Umaga!

Dahil sa inyong patuloy na suporta,
patuloy na namamayagpag ang TV5 sa Umaga!



Ngayong 2009 sama-sama nating i-shake
ang Philippine TV at maki-join na
sa bagong paboritong istasyon na Bayan!

Thursday, January 15, 2009

Rosanna Roces at Gretchen Barretto, Nagharap!

Ang star ng Indie Film "Aurora" na si Ms. Rosanna Roces ang makakaharap
ni Ms. Gretchen Barretto sa You and Me Against the World sa darating na
Linggo, January 18.
Naging Seiko Stars nitong dekada 90,
Kapwa naging kontrobersyal ang parehong bituin
sa kani-kanilang mga larangan.


Pinatunayan ni Osang na may angking alindog pa rin siya

kahit isa na siyang Lola.




Makakatunggali ni Rosanna ang isang maswerteng

miyembro ng 'World'. Mananalo kaya ang bida ng Pelikulang 'Aurora'

Manuod ng 'You and Me Against the World' this Sunday 7PM
sa TV5

Thursday, January 8, 2009

Simulan ang Taon kasama ang Number 3 Station!



Tiyak na magiging excting ang 2009 kasama ang TV5.
Hatid namin ang pinakabago, pinaka-fresh na palabas
na babago sa inyong viewing habits.

Tutok lang mga KaShake! Salamat sa inyong patuloy na suporta sa TV5!

Sunday, January 4, 2009

TV5 Live Caravan, Matagumpay!

Lumalamig na ang panahon kaya't pinainit ng TV5 ang salubong sa 2009 nang buong araw na naki-shake ang mga tao sa TV5 Live Shake mo TV mo! Caravan sa Star City noong Sabado, January 3, 2009.

'Sumasabog na pakalog sa bagong taon' talaga ang binigay ng buong tropa ng TV5 kasama sina Shall We Dance host Lucy Torres at Jasper Evangelista,TV5 senior-vice president for Brand Management na siyang nagpasinaya sa pagbubukas ng mini-carnival. Ligayang-ligaya ang buong pamilya sa mga pakulong hinanda ng iba't-ibang paboritong TV5 shows ng bayan. Present din ang mga kids ng Bukas-Palad Foundation para makisaya.

Enjoy na enjoy ang mga bata at 'young at heart' sa pakitang-gilas sa puppet at magic shows, bubble exhibition at ang cuddly na si Barney and Friends!


Pinakilig ng Lipgloss cast at Shall we Dance hunks na sina Victor Basa at Jon Avila ang mga present sa caravan pati na rin si Oyo Sotto, ang Samboy ng Midnight DJ at Roxanne Guinoo kasama si Juicy host IC at teenies Valeen, Mikee, Kara at Kim.

Pinabilib ng Talentadong Pinoy discoveries ang mga tao sa kanilang amazing talents. Hinarana ng Voyz Avenue ang crowd at nakipagrakrakan naman ang Duster, Imago at Sandwich band bilang highlight ng gabi.

Nag-uwi ng iPods at sangkatutak na TV5 gift packs ang mga maseswerteng nanalo sa oras-oras na raffle ng The Weakend News booth.


Nagsisimula pa lang ang 2009 kaya asahang more more pakalog pa ang ibibigay namin sa inyo! SHAKE MO WITH A BANG!