Sunday, January 4, 2009

TV5 Live Caravan, Matagumpay!

Lumalamig na ang panahon kaya't pinainit ng TV5 ang salubong sa 2009 nang buong araw na naki-shake ang mga tao sa TV5 Live Shake mo TV mo! Caravan sa Star City noong Sabado, January 3, 2009.

'Sumasabog na pakalog sa bagong taon' talaga ang binigay ng buong tropa ng TV5 kasama sina Shall We Dance host Lucy Torres at Jasper Evangelista,TV5 senior-vice president for Brand Management na siyang nagpasinaya sa pagbubukas ng mini-carnival. Ligayang-ligaya ang buong pamilya sa mga pakulong hinanda ng iba't-ibang paboritong TV5 shows ng bayan. Present din ang mga kids ng Bukas-Palad Foundation para makisaya.

Enjoy na enjoy ang mga bata at 'young at heart' sa pakitang-gilas sa puppet at magic shows, bubble exhibition at ang cuddly na si Barney and Friends!


Pinakilig ng Lipgloss cast at Shall we Dance hunks na sina Victor Basa at Jon Avila ang mga present sa caravan pati na rin si Oyo Sotto, ang Samboy ng Midnight DJ at Roxanne Guinoo kasama si Juicy host IC at teenies Valeen, Mikee, Kara at Kim.

Pinabilib ng Talentadong Pinoy discoveries ang mga tao sa kanilang amazing talents. Hinarana ng Voyz Avenue ang crowd at nakipagrakrakan naman ang Duster, Imago at Sandwich band bilang highlight ng gabi.

Nag-uwi ng iPods at sangkatutak na TV5 gift packs ang mga maseswerteng nanalo sa oras-oras na raffle ng The Weakend News booth.


Nagsisimula pa lang ang 2009 kaya asahang more more pakalog pa ang ibibigay namin sa inyo! SHAKE MO WITH A BANG!

2 comments:

Anonymous said...

sayang di ako nakapunta :( borthdee kxe nung fwend ko. Anyway congrats po.

anyway comment ko lng dun sa author, pag naglalagay po kayo ng 'labels' lagyan nio po ng comma.

aeirin said...

great show.. enjoy tlga ako sa caravan.

A Day at TV5 LIVE Shake Mo TV Mo Caravan