Monday, December 29, 2008

TV5 Live!

Mula sa Philstar.com

TV5's Shake Mo TV Mo Caravan 

Updated December 30, 2008 12:00 AM 

Experience the grandest welcome to the new year as TV5 takes you to the ultimate shaking experience with the coming of the TV5 LIVE Shake Mo TV Mo Caravan, honking its way with exciting prizes and fun activities, happening on Jan. 3, 10 a.m. to 12 midnight at the Star City.


Everyone is invited to participate in the day-long event as the network greets 2009 with celebrity gatherings and live tapings, musical performances from rock bands Sandwich and Imago, and loads of booths with prizes and surprises.

Admission is easy. Students must present a valid recent school ID, or present proof of purchase of any TV5 novelty item from the TV5 store set up on the event grounds.

Interested participants can also join on-line promos at the TV5 website, www.tv5.com.ph, to win free tickets. Star City clients who avail of the Ride-all-you-can pass are also invited to join in the fun.

Saturday, December 27, 2008

More Kapamilya Stars Join TV5's Lipgloss


Pep.ph - Dalawa ang umalis, dalawa naman ang pumasok sa ending ng second season ng nag-iisang teen show sa reformatted TV5, ang Lipgloss. Sa kalagitnaan ng second season, nawala ang Star Magic Batch 16 member na si Cheska Garcia at sumabay na rin ang partner nitong STAGES-managed at Little Big Star first winner na si Sam Concepcion. 
  
Papasok ng magkasunod na episodes after its New Year episode ang Be Bench winner and Desperadas 2 co-star na si Carlo Guevara bilang si Jose Mari, ang makaka-triangle ng dalawang bagong artista na sina Czarina Suzara at Neil Coleta playing Julivee at Caloy, respectively.  

Susundan naman siya ni Matt Evans na gaganap bilang si Nikko Lopez, isang artistang nag-shoot ng pelikula sa eskuwelahan ng mga bidang bagets. Pinsan ng kanyang character si Kyle Lopez, na ginampanan naman ni Sam at may-ari rin ng eskuwelahan. 


Ito ang pangalawang TV5 show ni Matt dahil lumalabas din ang dating Pinoy Big Brother Teen Edition housemate sa sitcom na Everybody Hapi . Bale ito rin ang reunion show nila ng mga co-housemate niya sa PBB na sina Mikee Lee at Fred Payawan na mga regular cast ng Lipgloss.  

Ilan pa sa napagpilian para sa dalawang bagong roles sa Lipgloss ay ang tatlo namang housemates sa second season ng PBB Teen edition na sina Ejay Falcon, Robi Domingo, at Josef Elizalde. Hindi pumuwede si Robi dahil may ginagawa na itong mga shows sa sister stations ng ABS-CBN na MYX at Channel 23. 

Isa namang homegrown talent ng TV5 ang na-introduce sa Lipgloss in its Christmas episode, si Jessa Joy Mendoza. Produkto si Jessa ng Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo at malakas ang naging hatak niya sa audience dahil sa kanyang galing sa pagkanta. Gumaganap siyang si Carla, ang kapatid ng baguhan ding si Neil. 

Napapanood ang Lipgloss sa TV5 tuwing Sabado ng alas-sais ng gabi bago ang Talentadong Pinoy. Wala pang balita kung bibigyan ito ng third season. 

-Dinno Erece

Wednesday, December 24, 2008

Bagong Taon kasama ang inyong Paboritong Istasyon, TV5

Isama ang Pamilya, Kulitin na ang Barkada...

Dahil parating na ang inyong TV5 Tropa!


   

Friday, December 19, 2008

Join na sa TV5 Live Caravan!

Maki-SHAKE na sa kauna-unahang SHAKE MO TV MO CARAVAN ng iyong

Bagong paboritong TV Station, TV5!

Makakasama mo ang iyong paboritong TV5 stars, TV5 shows at

Pinaka-tinitiliang Banda!


Gusto mo ng Libreng passes?

Punta na sa TV5.com.ph

Isama na ang buong Barkada at Maki-Shake na!

Wednesday, December 10, 2008

Philippine Bloggers NakiSHAKE na sa TV5!

Tinambayan ng mahigit 30 bloggers ang event na inihanda ng TV5 para sa kanila sa Chili's Greenbelt 1, Makati kagabi.


Dahil bilib kami sa husay ng blogging community, Bloggers' Event ang sagot namin sa kanila. Bumahang papremyo, pagkain at inuman, at syempre saya ang event na 'to.
Highlight ng gabi ang pakulo ng TV5 para sa bloggers, ang My TV Show! Ito ang pinakabagong proyekto para sa bloggers na mag-eexpress sa sariling TV show concept na pasok sa taste nila.

Present din si Cherie Mercado at Jove Francisco ng The Evening News (TEN) kasama ang iba pang tropa para makisaya at i-cover ang gabi ng mga blogger. 'Di naman nagpahuli ang TV5 Team, ang kasamang nagprepare ng event at full force na pumunta para maki-join.


Nagpabaon ng 21" flatscreen TV kay blogger Fitz Villafuerte, ang nanalo sa grand raffle. Marami ring blogger ang nag-uwi ng iPod, electronic gift checks sa The Spa at Ayala malls, anime CDs at iba pang freebies para sa lahat.
Nag-ala-vigil naman at bumaha ng alak at kwentuhan ang mga reunited bloggers habang hinihintay ang mistulang one, big Pacquiao fight na airing ng The Evening News (TEN) para makapagsalamin at makita ng bloggers ang sarili nila onscreen sa hatid na Sidetracked ni Jove Francisco.



TEN's SideTracked from Coy Caballes on Vimeo.


Ito na isa ang pinaka-nakakaSHAKE na blogger tambay bago matapos ang taon.
It began and ended with a bang, at ang promise na may Da Repeat ng ganitong event.

Maraming Pang Pictures dito:

Naki-SHAKE na ang MULTIPLY ni AZRAEL!

Todo sa Pictures ang Multiply ni Iris!

NANdito rin si NAN!

Ka-SHAKE na si CARL!

Aba may pictures din si ADA!

Present sa Event si Jason!

Mica, naki-join sa Tropa!

Thursday, December 4, 2008

TV5 Dinayo ang KOMIKON 2008

Mahigit kumulang sa 2,000 Filipino Komik Fanatics
ang dumalo sa nakaraang KOMIKON 2008
na ginanap sa UP Bahay ng Alumni.
Kanya-kanyang gimik, iba't ibang pakulo ang inihanda ng mga organizers,
at siyempre hindi papahuli ang TV5 bilang official Media Partner
ng naturang pagtitipon.
Namigay ang TV5 ng mga limited edition gift items para
sa mga masuswerteng Komik Fans na nagenjoy noong araw na iyon.
Aktibo ring nakibahagi ang ilang sikat at mga baguhang comic artists na nagpakitang
gilas ng kanilang talento sa larangan ng malikhaing pagguhit.


Habang abala ang lahat sa pagdalaw ng mga booth sa KOMIKON at patuloy
ding ginagawa sa stage area ang pakulo at pakontests ng mga organizers.
Ang mga nagwagi ay naguwi din ng mga TV5 gift items.

Ang KOMIKON ay taunang ginawa at ngayon ay nasa kanilang
ika-apat na taon na. Layon ng taunang kasiyahang ito
na panatilihing buhay ang diwa ng Komiks sa bansa
at humimok sa mga may kakayahang gumuhit na tumulong
upang mapalago ang Sining ng Komiks.



Mula sa organizers ng KOMIKON, Maraming Salamat sa inyong
pakikiisa at magkikita tayo muli sa KOMIKON 2009!



For more details visit: KOMIKON.blogspot.com

Naki-Shake ang Marist School, Marikina!

Todo-Shake ang Marist School sa Marikina makaraang bumisita ang TV5 sa kanilang
Campus bilang bahagi ng kanila Weeklong Science Week Celebration.

Dumagundong ang buong school gymnasium sa mga inihandang pakulo ng
TV5 kasama sina Biboy Bibo at Maria Maldita ng YES FM, Automatic Yan!
Bukod sa mga special numbers ng Marist Students, nagkaroon din ng mga games
na nilahukan ng mga audience, ang mga nanalo ang nakakuha ng mga limited edition TV gift items.
Naki-shake din ang mga casts ng Patok na Patok na Teen show na Lipgloss
para magpasaya ng mga taga Marist.
Naghiyawan ng husto ang mga estudyante makaraang lumabas
ang latest addition sa Lipgloss cast na si Princess Ryan kasama si Kevin Lapena.

Isang buong araw ng kasiyahan, Isang Buong araw ng Kakalugan!
Hatid sa inyo ng inyong Bagong Paboritong TV Station, TV5!


Tutok lang kayo dahil baka School nyo na ang susunod!


Watch out for us at:

December 5 - San Beda College

December 11 - Buli Elementary School

December 12 - West Rembo Elementary School

Wednesday, November 26, 2008

5MAX Libre Pasine sa Barangay

Hindi mo na kailangang pumunta sa Sine para makanood ng Blockbuster Films,
Dahil ang Sine na ang pupunta sa Barangay Mo!
Inihahandog ng TV5 ang 5MAX
LIBRENG PASINE sa Barangay!
Dinumog ng mga Nanay, Tatay at mga Kids ang Libreng Pasine ng 5MAX sa
mga piling Barangay sa Makati, Mandaluyong, Las Pinas, Maynila, Muntinlupa.
Bukod kina Cara at Mikee ng Take 5 umulan din ng mga papremyo
at sorpresa para sa mga dumalo sa kasiyahang ito.


Sa Darating na Biyernes, November 28 pupunta ang 5MAX Libreng Pasine Team sa:


Molino 2 and 3, Cavite
San Isidro, Paranaque
Manuyo Uno at Dos sa Las Pinas

Sa November 29 naman sa:
Commonwealth Q.C.
Batasan Hills Q.C.
At Holy Spirit sa QC din.


Ang mga Blockbuster Films ng 5MAX ay mapapanood
tuwing 9PM, Lunes hanggang Biyernes sa TV5.

Thursday, November 20, 2008

Gretchen is Giving Away 1 Million Pesos Bawa't Linggo!

No Excuses, Sigurado Ito!
The Glamorous Ms. Gretchen Barretto is giving-away 1 Million Pesos
every sunday sa gameshow na You & Me Against the World.
Tiyak na pakaaabangan ng lahat ang pilot episode ng original gameshow
na ito ng TV5 dahil pawang malalapit daw sa puso ni Gretchen ang mga unang
set ng kanyang mga celebrity guests.
Maalaalang sinabi ng host na hindi siya nagdalawang isip nang tanggapin
ang alok na maging host sa naturang palabas.
Bahagi ang You & Me Against the World sa mas pinatinding
mga programa ng TV5.
Mapapanood ang You & Me Against the World tuwing Linggo
simula November 23 tuwing 7PM.

Wednesday, November 19, 2008

Kalog Kaload Text Promo

Hindi nyo na kailangang magpuyat mga Kashake para manalo ng load,

Dahil andito na ang
KALOG KALOAD TEXT PROMO ng TV5!



Text KALOG to 3456 na!

Monday, November 17, 2008

KOMIKON 2008

Ready na ang lahat para sa taunang KOMIKON!

Present ang TV5 sa
THE FOURTH ANNUAL PHILIPPINE KOMIKS CONVENTION
with UP LUNAROCK and UP GRAIL
para isang buong linggo ng KOMIKON 2008!!!

Bukod sa convention proper on November 22, 2008,
Nagkakaroon din ng mga activities na nagsimula noong November 17 - 21
sa UP College of Arts and Letters (UP CAL) at sa
UP College of Fine Arts (UP CFA) for KOMIKON.

Para sa karagdagang impormasyon pumunta lang sa
http://komikon.blogspot.com

Sunday, November 16, 2008

Si Eugene Domingo ang Reyna ng Katatawanan sa TV5!

HahaHayop ang Katatawanang dulot ng bagong Reyna ng Komedya sa TV5!
Walang iba kung hindi si Eugene Domingo ang titiyak na Everybody Hapi sa kanyang
bagong show at sitcom!
Ibong manika at asong di lumalabas sa Dog house ang kasama niya sa kanyang "BECKYARD"
sa HahaHayop na magpapakita ng mga kakatwang eksena ng mga hayop.
Lahat naman ay hahalakhak sa sitcom na Everybody Hapi kasama si John Estrada, Long Mejia, Alex Gonzaga, Matt Evans at Roxanne Guinoo.
Mapapanood ang Hahahayop tuwing Lunes - 7:30 ng Gabi,
Ang Everybody Hapi naman ay tuwing sabado - 5:30 ng gabi sa TV5

Thursday, November 13, 2008

Sino ang bagong MIDNIGHT DJ?

Tuloy-tuloy ang lingguhang panginginig ng nakasisindak
na MIDNIGHT DJ!


Kabilang na sa naturang programa si Oyo Sotto bilang Midnight DJ.

Kasama na nila Jenny Miller at Desiree Del Valle ay kahali-halinang si Bangs Garcia.


Mapapanood ang Midnight DJ tuwing Sabado, 7PM sa TV5

Gretchen, Nagpa-raffle ng suot na sapatos!

Naging matagumpay ang ginawang Grand Launch ng 2nd Season Shows ng TV5
at ng Press Christmas Party kamakailan sa A. Venue Makati.
Tampok ang mga stars ng bagong palabas ng TV5 sa isang gabi ng
kinang, kasiyahan at papremyo.
Ang host ng gameshow na YOU AND ME AGAINST THE WORLD na si
Ms. Gretchen Barretto ang finale at highlight ng tinaguriang
'Christmas Carnival'.


Mula sa center aisle ng A. Venue lumabas patungong entablado ang
newest star ng TV5 sa saliw ng themesong ng YOU & ME AGAINST THE WORLD.
Nagpaunlak sa pagsagot ng ilang katanungan si Gretchen mula sa Press at
napasubong i-raffle ang kanyang Oscar De La Renta shoes na suot
niya noong gabing iyon.

Game si Gretchen sa pangangantaw ng mga manunulat
at masayang ibinigay ang sapatos sa winner .
Mapapanood ang You & Me Against the World tuwing Linggo, simula
sa November 23, 2008 sa TV5.

Thursday, November 6, 2008

Nandito na ang Sesame Barkada!

Tiyak lalong makukompleto na ang umaga ng mga kids sa TV5
dahil narito na at makikisaya ang SESAME STREET BARKADA!
Sina Big Bird, Ernie, Bert, Elmo, Cookie Monster, Grover at
ang iba pang makukulit na Sesame Street Characters!
Kaya huwag dapat palampasin ang panonood sa TV5
para lagi mo silang makasama!

Anime Bakbakan na sa TV5!

November 10 na ang simula ng girian at bakbakan ng mga bigating
Anime ng TV5!
Hindi ka na mabibitin, Hindi ka na mag-aabang!
Nandito na ang 2nd season ng Shakugan no Shana!

Samantala, Code Geass naman ang sorpresang handog na TV5
para sa mga Anime Fanatics!

Todo Anime na! Todo Tutok na sa TV5 Anime!

Tuesday, November 4, 2008

Kids Choice Awards 2008


Sa November 29 na ang kauna-unahang ALL-PINOY
Nickelodeon Kids' Choice Awards 2008!
Ito lang ang kaisa-isang award giving body na binibigyan ng pagkakataon
ang mga Nick Kids na pumili ng mga paborito nilang Artista, Pelikula,
Music, Books, Sports at Video Games.
Gagawin ito sa Aliw Theatre at si Kuya Michael V ang magiging
host sa makulay na event na ito.
Mapapanood sa TV5 ang mga sikat na Nick Cartoons katulad ng Spongebob,
Diego, Dora, Blues Clues at marami pang iba.
Tutok lang sa tv5.com.ph para makakuha ng tickets sa KCA 2008!

Monday, November 3, 2008

Parating na ang pinakamalaki at pinakabonggang game show!: You & Me Against the World!!!

INIHAHANDOG NG TV5 ANG YOU & ME AGAINST THE WORLD, ANG PINAKAMALAKI AT PINAKA-FABULOSONG GAME SHOW SA BALAT NG TELEBISYON!! HOSTED BY THE FABULOUS HOST, GRETCHEN BARRETTO, YOU & ME AGAINST THE WORLD GUARANTEES TO GIVE AWAY ONE MILLION PESOS EVERY WEEK. NO EXCUSES. ALL-OUT!



YOU & ME AGAINST THE WORLD



ABANGAN NGAYONG NOVEMBER! YAYANIGIN NI GRETCHEN AT NG YOU & ME AGAINST THE WORLD ANG MUNDO NIYO!

SHAKE LANG NANG SHAKE!! =)

Sunday, November 2, 2008

TV5 is on Twitter!

Pero teka, ano ba ang Twitter?
Ang Twitter ay isang LIBRENG Social Networking at Micro-blogging service that
allows users to send and read other users' updates (TWEETS).
Users can receive updates via the Twitter website, SMS, RSS, email or through an application such as Twitterrific or Facebook.
Kaya Mag-TWITTER ka na at i-add mo na ang TV5!

Friday, October 31, 2008

The Exorcism of Emily Rose sa TV5

Alam nyo bang hango sa tunay na buhay ang istorya ni Emily Rose.
Isang 19 anyos na dalagitang sinapian umano ng masasamang espiritu.
Tampok sa pelikula ang pagtalakay sa kaso ni Emily Rose at kung paano hinarap
ng isang pari at abugado ang mga bumabatikos sa pagsapi umano sa bida.
Mapapanood sa 5MAX ngayong gabi ang Exorcism of Emily Rose sa
ganap na ika-8 ng Gabi sa TV5.
HAPPY HALLOWEEN MGA KASHAKE!

Sunday, October 26, 2008

Gusto mo manuod ng My MVP Finals?


Makakanuod ka ng My MVP Finals, Makikilala mo ang
TOP 12 contenders para sa titulo, Makakapagpapicture ka
kasama nila, VIP seats at marami pang sorpresa.
Sali lang sa My TV5 Community! Register na para
makakuha ng FREE PASS (for 2) sa New Ynares Sports Arena
sa Shaw Boulevard, Pasig City on November 7 (Friday)
Click mo lang to:

Tuesday, October 21, 2008

Philippine's Scariest Challenge



Bakas pa din sa mukha ng aktres at Pantasya ng Bayan na si Joyce Jimenez ang sugat na natamo nito matapos na maaksidente ito after mag-tape ng Philippine's Scariest Challenge sa isang malawak ng bukirin sa Pangasinan.

Matatandaang himalang nakaligtas si Joyce makaraang tatlong beses na magpaikot ikot sa ere ang kanyang sinasakyang auto.

Mapapanood ang episode ni Joyce sa Philippine' Scariest Challenge sa October 31, Friday 6PM sa TV5.

Si Paolo Contis at Chesca Litton ang host ng naturang show.

Alodia as Shana

Recently lang ay umatend ang isa sa pinakasikat na anime and pop icons in the Philippines na si Alodia sa RAN Online Global Tournament kung saan present din ang TV5 bilang isa sa mga sponsor.
Dinumog ang event na ito ng libo-libong gamers sa bansa na nagkaroon ng chance na magpapicture kasama si Alodia.
Mas marami pang balita kay Alodia dito sa Shake Mo Blog Mo! tutok lang!

You & Me Against the World

According to PEP.ph magkakaroon daw ng sariling gameshow si Ms. Gretchen Barretto sa TV5. Although wala pang masyadong detalye sinasabing November daw ipapalabas ang bagong show.

“You and Me Against the World” ang title ng show ni Greta na inaasahang magiging fabulosa dahil sa mga kakaibang prizes at sorpresa ng show at ng host.


Abangan natin yan mga kaShake!