Showing posts with label Bossing Vic. Show all posts
Showing posts with label Bossing Vic. Show all posts

Thursday, May 28, 2009

Manalo kaya si Polo sa Who Wants to be a Millionaire?

Patuloy ang pamamayagpag ng nagbabalik na
WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE
sa TV5.

Kung nitong nakaraang Sabado, pareho sumablay sa
question number 9 si DJ Mo Twister at ang Young Star na si
Meagan Young
Makakalusot kaya sa mga tanong ni Bossing Vic Sotto
ay Hunk na si Polo Ravales? Siya na kaya ang
Kauna-unahang Milyonaryo ng Nagbabalik na
Who Wants to be a Millionaire?


Alamin ngayong Sabado, 6PM sa TV5!

Friday, May 22, 2009

Who Wants to be a Millionaire na!


Mapapanood na simula bukas,
SABADO, 6PM sa TV5
Pagkatapos ng Lipgloss at bago ang Talentadong Pinoy

Tuesday, May 19, 2009

Who Wants to be a Millionaire nasa TV5 na!

Lalong hihigpit at titindi ngayon ang labanan sa primetime tuwing Sabado ng gabi dahil sa pagbabalik ng walang kapantay na international top-rating game show franchise na ngayon ay nasa TV5 na—ang Who Wants to be a Millionaire?, hosted by entertainment master Vic Sotto, as the show again takes hold of its throne on Philippine TV simula May 23, Sabado.


Base ang Who Wants to be a Millionaire? sa original British format, kung saan maglalaban-laban ang mga contestants from all over the country para makaabot sa “hot seat,” at doon magsisimula ang pag-akyat papunta sa million peso jackpot by answering 15 multiple-choice questions correctly. Traditionally, isang milyon ang premyo pero this time, hanggang P2, 000,000 ang ipamimigay ng TV5.

Lahat ng Pinoy na nangangarap na maging milyonaryo ay mabibigyan ng pagkakataong makamit ang pangarap na `to by just simply texting in "MILLION (space) Name" sa 2910, kung saan makakatanggap ng automated reply para sa next steps kung paano maging contestant.


Tadtad ng bonggang mga surpresa ang pilot episode ng Who Wants to be a Millionaire?. Kung sa iba ay usually isa o dalawang celebrities and guests bilang contestants, talagang star-studded ito dahil sampu ang makiki-join sa pagwelcome sa Who Wants to be a Millionaire? with celebrities Ara Mina, Polo Ravales, Assunta de Rossi, Rafael Rosel, Manilyn Reynes, Jay Manalo, Megan Young, Gladys Reyes, Nadia Montenego at Mo Twister— na maglalaban-laban para makarating sa "hot seat" kung saan haharap sila kay Bossing.


Sino kaya sa kanila ang aabot sa hot seat? Alamin kung sino ang makakapag-contribute ng malaki sa money tree at may pag-asang umuwing milyonaryo sa pilot episode ng Who Wants to be a Millionaire?. Abangan ang pag-shake ng millionaire dream tuwing Sabado, 6 p.m., only on TV5.
TEXT MILLION_NAME to 2910 na!